HIV: Masosolusyunan pa ba?

nina Cynthia De Castro at Aileen Mei Gaduyon

Ang dami nang nababalitang mayroong HIV saiba’t ibang mga bansa at isa ang Pilipinas sa mga may problema nito. Ngunit ano nga ba ang HIV?

Ang HIV o ang human immundeficiency virus ay kilala bilang isang lentivirus kung saan ito ay responsable sa paglalaganap ng HIV infection na pwedeng maging sanhi ng mas malalang sakit. Ang HIV ay pwedeng maging AIDS to auto-immunodeficiency syndrome. Ang pangunahing pakay ng sakit na ‘to ay sirain ang immune system ng isang tao. Maaari itong magdulot ng malubhang karamdaman o pagkamatay.

Sa ngayon, wala pa ring nakikitang lunas para rito, kaya kung mayroon kang ganitong sakit ay pang-habangbuhay na ito. Mayroon mang iba’t ibang gamut sa sakit na ‘to, ngunit mahal at hindi pa rin nakakapagbigay ng permanenteng lunas.

Sa kaalaman ng lahat, mahal talaga ang gamut sa HIV. Ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakabili ng pansamantalang lunas. Pero ang mga mahihirap ay Malabo. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng gobyerno na mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan kung saan nagbibigay sila ng mga libreng gamut at screening sa mga center. Higit na marami ang naibigay ng gobyerno pero hindi pa rin ito sapat para matugunan ang pangangailangan ng tao na nagkakaroon ng HIV.

Ang mga tao naman na mayroong HIV ay nangingibabaw ang kanilang pagiging mahiyain sa pagbili ng birth control o condo, Ang condom ay pwedeng mabili sa pharmacy pero ipinapairal pa rin ng mga tao ang pagkamahiyain. Ang mga taong nagpositibo sa HIV ay nahihiyang bumili ng proteksyon sa takot na pwede silang husgahan. Parami ng parami ang mga taong nagkakaroon ng HIV. Kadalasan sa mga nagging biktima ay nasa edad 15 hanggang 35 taong gulang. Mahirap talaga itong sugouin lalo na hindi makontrol ng mga tao ang sarili sa pagtatalik.
                                                                                                

Comments

Popular Posts