Buhay ng mga hayop: PAHALAGAHAN

 nina: Jazz Olanga at Ghemmar Jade Gomez


Marami na ang kumakalat na mga isyu tungkol sa pagpapahirap at pagpapatay ng mga hayop. Kailan pa ba magkakaroon ng halaga ang mga nilalang na yun? Kailan pa ba mahihinuha ng mga tao ang kanilang mga karapatan?

Noong tayo'y nilikha ng Panginoon, inihabilin Niya sa atin ang iba pa Niyang mga likha gaya ng mga puno't halaman at lalong-lalo na ang mga hayop — ito man ay mula sa lupa, dagat, o himpapawid. Ngunit imbes na alagaan sila, walang-awa pa silang pinagdidiskitahan at pinapatay. Dapat mapagtanto ng mga tao ang kanilang karapatan.


Maliban diyan, may batas na inilunsad para sa karapatan ng mga hayop — ang Republic Act 8485, "The Animal Welfare Act of 1998" — kaya dapat lang na managot ang mga taong hindi marunong magpahalaga sa buhay at karapatan ng mga hayop para di na sila umabuso.


Lahat tayo ay may karapatang mabuhay at kasali na roon ang mga hayop. Hindi porke't hindi sila kasingtalino ng mga tao ay hindi na natin sila bibigyan ng respeto. May pakiramdam din sila. Marunong silang magmahal sa kanilang pamilya o amo nila. Marunong din silang umiyak at masaktan. Kaya dapat lang na tratuhin natin sila na parang kapwa natin. Respetuhin natin sila sapagka't iisa lang ang Panginoon na lumikha sa atin.


Comments

Popular Posts